Article posted May 27, 2008
Nagkaroon na ng pictorial nitong nakaraang Sunday, May 25, ang tatlo sa magiging bida ng bagong GMA Sine Novela na Gaano Kadalas ang Minsan.
Ito ay pagbibidahan nina Sunshine Dizon as Lily, Marvin Agustin as Louie at Diana Zubiri as Elsa. Papalitan nito ang malapit nang matapos na Kaputol ng Isang Awit nina Glaiza de Castro at Lovi Poe.
Gaano Kadalas ang Minsan was produced by Viva Films in 1982 at pinagbidahan ito nina Vilma Santos, Hilda Koronel, and the late Dindo Fernando. Ang original movie ay mula sa story and screenplay ni Tom Adrales at direksyon ni Danny Zialcita. Ang iba pang nakasama sa classic film na ito ay sina Chanda Romero, Tommy Abuel, Suzanne Gonzalez, at ang child actor noon na si Alvin Enriquez.
Galing nga sa pelikulang ito ang immortal movie line na binitawan ni Hilda Koronel sa eksena nila ni Dindo Fernando: "You are supposed to be the father of a sick boy and not the willing husband of his mother! That was the arrangement, Louie!"
Ito nga ang bagong drama show ni Sunshine after ng magkakasunod na pagbibida niya sa mga GMA primetime dramas na Encantadia, Etheria, Bakekang, Impostora at La Vendetta. Huli siyang napanood bilang si Ragona sa GMA telefantasyag nilikha ni Carlo J. Caparas na Kamandag na pinagbidahan ni Richard Gutierrez. Ang Gaano Kadalas ang Minsan ang first time na makakatrabaho niya si Marvin Agustin.
Last February ay naka-graduate na si Sunshine sa kanyang kurso in culinary arts sa Academy for International Culinary Arts.

Ito naman ang ika-anim na drama show ni Marvin Agustin since lumipat siya mula ABS-CBN 2 to GMA-7. Una siyang lumabas sa light romance drama na I Luv NY at sinundan pa ito ng Asian Treasures, Mga Mata ni Anghelita, MariMar at ang malapit nang matapos na Babangon Ako't Dudurugin Kita.
Pang-pitong drama show naman na ito ng sexy actress na si Diana Zubiri. Una siyang nabigyan ng break sa Encantadia at nasundan pa ito ng Etheria, Now And Forever Presents Linlang, Asian Treasures, Zaido: Pulis Pangkalawakan at Babangon Ako't Dudurugin Kita. Mainstay naman si Diana sa longest running gag show na Bubble Gang.
Hindi pa kumpleto ang impormasyon na nakarating sa amin regarding sa TV remake ng Gaano Kadalas ang Minsan. Aalamin pa namin kung sino ang magiging direktor at ang iba pang makakasama sa cast. -- Philippine Entertainment Portal (PEP)

No comments:
Post a Comment